Thursday, March 5, 2009

MUSIC IS LIFE: TALA of Los Indios Bravoz

Photobucket

Photo by Ryan Andres


There are few groups or acts out there that could rattle me and say "I wish I had them on my label, or what if I sign them?" I am very diplomatic about everything but I am hard to really impress! Los Indios Bravoz is one of those groups. They are unique as you may all know, but they know what they're about more than you can ever try to figure out. Yes, they are the flag carrying, all tatted up emcees rapping about and shouting out our heritage. One of them, Diego -- Tala as I will introduce through this interview, has been one of the people I look up to since the day I met them. These are my classmates if I may, and Tala is one of those students in the class that would not say anything but lets his work do the talking! Tala is also a decorated film director from his younger days! He now spearheads the production behind Los Indios Bravoz, K-Jah and is steadily doing work intergal to the developement of socio-political Philippines through projects with Manny Villar and Imee Marcos. Lets pick on the mind of this genius and what he's been up to as of late!





Tala feat. Anino - Eskinita; this song will appear on Kalye Musika (Ikalawang Yugto)


SOULFIESTA: Diego, salamat sa pagbibigay ng panahon. Gusto ko sanang umpisahan ang pagkapanayam ko sa'yo with; what does it mean to be an independent hiphop artists for you at this day and age?

TALA: Mahirap dahil gusto mong magpahayag ngunit bilang ang nakikinig at kung pakinggan ka man ay kapos sa pag-iintindi. Sa pananaw ko ang pagiging malayang musikero sa larangan ng hiphop ay hindi de-kahon at may pakay na pagbabago sa industriya, sistema't lipunan.

If you were to educate a pinoy who thinks tagalog rap is non sense, what songs will you use to help him understand?

1. Los Indios Bravos - ABaKaDa
2. Syke - Mahal Quita
3. God's Will at N9 - Semento at Buhangin
4. Francis M - Mga Kababayan

Where is Los Indios Bravos?

Lahat kami ay abala lang sa pagtatrabaho. Ngunit tuloy parin sa paggawa ng musika. Abangan!

How did you get your start into hiphop and hiphop produciton? What is Tala busy with these days?

Nagsimula akong gumawa ng musika noong unang tapak ko ng kolehiyo. Bata pa kami noon, kaya radikal at mapusok pa ang mga bitaw namin sa tambayan. Doon ko nakilala si JP "Siyang Tao" na siya namang nagpakilala sakin kay Chase "Kintal Dakila" at Jonan. Tsaka namin binuo ang grupo. Nagsimula talaga kami sa pinakababa hangga't nakatugtog na kami kung saan saan. Namasukan ako bilang sound engineer sa iba ibang audio production, dito ko nahugot lahat ng nalalaman ko ngayon pagdating sa pagtimpla at paggawa ng musika. Ngayon ay abala ako sa isang pelikula na lalabas ngayong taon. Ako ang umaasikaso sa musikang ilalapat sa bawat eksena. Ito rin ang pagkakataon para lalong marinig ang boses natin bilang malayang musikero.

Para sa yo, anong pinagkaiba ng isang MC at RAPPER?

Ito rin ang kaibahan ng isang nagpipinta sa nagpipintura. Ang pagkakaiba ng taong may DUNONG at taong MARUNONG lang.

Whats your comment on the whole The Community show? Where can it improve? Would you want to see another Community show this year?

Kinagagalak kong maimbitahan ulit ang grupo para tumugtog at manood sa The Community Show. Para sa akin kailangan lang mapalawak pa ang mga manonood at susoporta. Puspusan pang pagpaplano para maparami tayo.

2006, was a whole year of positive hiphop energy around the metro, what's something about 2006 that you miss?

Kahit saan lupalop man tayo tumogtog nandoon lang ang isat isa.

What is more important for the thriving scene, going regional or going international?

Sa sarili kong opinyon, sa tunog at layunin namin ay dito muna sa Pilipinas. Marami pang dapat malaman sa sarili at kasaysayan. Lalo na ang musika namin ay instrumento ng pagbabago. Ang pagbabago ay dapat magsimula muna sa tahanan ng ating lahi, dahil ang tunay na laban ay nandito. Tsaka na siguro kung hinog na ang mga bagay. Kilalanin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magpakilala.







When you make beats, how is the creative process?

Kailangan muna ng inspirasyon. Ang paggawa ng musika ay paglalarawan ng nararamdaman. Magsisimula muna ito kung ano ang paksa na gusto mong talakayin, susunod ay ang tema at takbo ng kanta. Dito ka na ngayon bubuo ng bagsakan.

Any artist out there you wanna promote and why does he/she deserves a listen?
Suportahan natin si Juan Dasal at Tao sa Laya na lalabas ngayong taong ito. Makabago at makabuluhan ang musika.

What is the satisfaction you get as a struggling hiphop artist?

Nasa kahirapan ang sining ng isang musikero.

I believe that also, with oppression we juice out our most creative spirits! So Diego, whats the story behind the name?

Tala (Northstar) - Ang gabay. Sundan mo lang at hindi ka maliligaw.

If your life as an artist is a song, what song is it? or whats your favorite hiphop song/s?

Ang kanta naming "Kamay sa Taniman"

'NUFF SAID.

No comments: